Shopping security
Copyright 2021
Pinakamahalaga sa lahat, bago magreseta ng gamot, ano muna ang sakit? Sa koleksiyong ito ni Paul A. Castillo, inilalahad ang walang-patid na paghahanap ng ginhawa ng bawat isa, mula sa daing ng katawan, pagkabagabag ng isipan, at pabigat ng lipunan. Sa mga sandali kung kalian mag-isang dadanasin ang kirot at lumbay, patutunayan ng makata: iisang titk ang layo ng lunas at lason, iisang hininga ang pagitan ng agaw-buhay at habambuhay. Gumamit ng kutsara upang namnamin ang mga tula. Huwag uubusin sa isang tungga, nang maiwasan ang side effect na pagkatulala.
--Ronnie E. baticulon
Hindi sinasadya pero malubha ang karamdaman ko nang umpisahan ko ang Lunas sa Nabubuong Lubos, ang koleksiyon ng mga tula ni Paul Castillo.
Ang mga tula ay hindi lang tungkol sa lunas. Mundo rin ito ng mga sakit, na iba’t ibang uri: pisikal, mental pampamilya, panlipunan. Ang ginawa ni Castillo ay hindi lamang paghahanap sa lunas sa mga sakit, kundi pagtalunton din sa mga ugat nito. Sa tingin ko, ito ang remedyong inirerekomenda ng mga tula niya. Tinuturuan tayo sa pamamagitan ng mga tula na mag-urirat sa pinagmulan ng mga bagay na nagpapakirot ng ating isip, katawan, kaluluwa, at bayan. Dahil minsan, iyon mismo ang lunas: ang malalim na unawa sa pinagmulan ng ating ga sakit.
Natapos ko na ang pagbabasa sa buong koleksiyon, at hindi pa ako tuluyang magaling sa aking karamdaman. Pero nakadama ako ng sigla. Sigla na muling magbasa ng mga tula, sigla na muling magsulat, muling lumikha, sigla na muling magpatuloy. At mabuhay. Ito ang kapangyarihan ng mga mala-bugtong niyang tula.
--Beverly Wico Siy
Ships within 48 hours · Estimated delivery Aug 23 - Aug 28
US$40
Get nowSign up to your membership to get coupons up to
15%
Get nowOpportunity to enjoy order discount up to 15% off
Top-Converting Item to Boost Your Average Order