Shopping security
Tungkol sa aklat:
Magkakatulad ba ang “kahulugán,” “kabuluhán,” at “katuturán”? Ano ang kaibhan ng “munì” sa “nílay,” ng “pagtarók” sa “paghulò,” ng “hakà” sa “hinuhà”? Bakit mas matindi ang lungkot sa “pighatî” kaysa “lumbáy”? Paano tinitimbang ang “bayani” sa sinaunang balangay?
Ilan lámang ito sa sinikap ipaliwanag ni National Artist Virgilio S. Almario sa pamamagitan ng pagsasaliksik sa sinaunang bait at taal na karunungang maaaring matuklasan sa ating wika. Tinitigan lámang V.S. Almario ang ilang salitâ at kung paano ito ginámit sa ilang piraso ng akda noon, ngunit upang tanglawan sa atin ang mga mga orihinal na hálagáhan (ang pantumbas niya sa values at upang ibukod sa pagpapahalagá o appreciation) at kung paano ito binaluktot ng ating kolonyal na karanasan, at upang kung sakalì ay higit na wasto nating makasangkapan sa ating muling-pagkatha ng ating bayan. Nagsisilbi din itong panimulang pagbuo ng isang pilosopiyang pangwika at patnubay sa paglinang ng ating pambansang kasaysayan at pamumunang pangkultura.
Ang mga sanaysay sa aklat na ito ay bahagi ng pagsipat at pagtitig ni V.S. Almario sa mga potensiyal ng Filipino bílang wika ng makabayang saliksik at mga siyentipikong adhika para sa ating Wikang Pambansa.
* * * Pasasalamat sa UST Museum sa pagbabahagi ng larawan para sa pabalat, ang obrang “Woman and Boy Walking Against the Wind” (1938), gawa ng Pambansang Alagad ng Sining na si Carlos “Botong” Francisco.
Ships within 48 hours · Estimated delivery Aug 18 - Aug 23
US$40
Get nowSign up to your membership to get coupons up to
15%
Get nowOpportunity to enjoy order discount up to 15% off
Top-Converting Item to Boost Your Average Order