Shopping security
Ang aklat na ito ang ikaapat na koleksiyon ng mga tula ni Rio Alma mula sa panahon ng COVID-19. Una, ang ]Kuwarentena[ (Filipinas Institute of Translation, 2020) na mga reaksiyon sa pinsalang dulot ng pandemya. Ikalawa, ang Mga Póon, Mga Piyón, Mga Pusóng, Isang Púsong (San Anselmo Press, 2022) na isang satirikong pagtatanghal sa mga sakit ng lipunan at korupsiyon sa lahat ng sektor ng sosyedad. Ikatlo, ang Lemlunay (National Commission for Culture and the Arts, 2023) na isang pagsusuri sa kasaysayan at kultura sa pamamagitan ng mga sinaunang artifact, cultural objects, at likhang sining ng Filipinas. Ang ikaapat na aklat ngayon, ang Ay! Ang Kabihasnan, ay isang masugid na komentaryo sa umiiral na uri ng kamaláyan na lubhang nakapailalim sa kapangyarihan ng kolonyal, Kristiyanisado, at Amerikanisadong sibilisasyon na itinanim ng mga kolonyalistang Kanluranin sa loob ng apat na siglo. Hindi naman nilalahat ni Rio Alma ang masamâng epekto ng sibilisasyong Kanluranin. Ngunit maraming katutubòng nagisnan at banyagang nakamihasnan ang dapat diumanong iwaksi upang higit na umunlad ang ísip ng mga Filipino, makaahon sa kamangmangan ang mga dukha, at kahit ang mga edukado, at higit na umiral ang demokrasya at katarungan sa ating bansa. Makikinis pa rin at matatalinghaga ang tula ng ating Pambansang Alagad ng Sining, ngunit higit ngayong nakatuon sa pagtukoy ng mga hadlang sa kalayàan at kaunlaran ng sambayanan. Inihahandog ni Rio Alma ang pagtula niya kaugnay ng kaniyang “Tinging Filipino” sa pagsuri ng kultura at kasaysayang pambansa at sa kampanya ngayon ng mga makata na “Ibalik ang Tula sa Pusò ng Madla.”
Ships within 48 hours · Estimated delivery Aug 5 - Aug 10
US$40
Get nowSign up to your membership to get coupons up to
15%
Get nowOpportunity to enjoy order discount up to 15% off
Top-Converting Item to Boost Your Average Order